Sa tuwing dumadating ang buwan ng Agosto ay ipinagdidiriwang natin ang Buwan ng Wika na nangyayari taon-taon. Ang tema ngayong taong ito ay "Filipino: Wika ng Saliksik (Language of Research)". Ang saliksik ay ang paghahanap nang puspusan sa isang bagay. Ito ay ating ginagawa para madagdagan ang ating kaalaman at para malaman ang mga katotohanang nais nating malaman. Ang mga layunin ng pananaliksik ay tumuklas ng mga impormasyon, makadiskubre ng bagong kaalaman hinggil sa mga batid na, makakita ng mga sagot sa mga ganap na hindi pa nalulutas, makalikha ng batayan na maaaring gamitin sa hinaharap, matunugan ang ating kuryusidad, mapalawak ang ating kasalukuyang nalalaman at higit sa lahat, para tayo ay hindi maloko ng mga taong may hatid na hindi totoong balita o impormasyon.
Ang wikang pambansa natin dito sa Pilipinas ay Filipino. Ito rin ay tinatawag na tagalog. Ayon sa Komisyon sa Wikang Filipino, ang wikang Filipino ay isang katutubong wika na ginagamit bilang wika ng komunikasyon ng mga etnikong grupo. Ayon naman sa Wikipedia, ang layunin ng wikang Filipino ay ang pagpapalaganap ng pagkakaisang pambansa, pagkakaroon ng heograpiko at pampolitikang pagkakapatiran, at maging ang pagkakaroon ng isang sumasagisag na pambansang wika sa isang bansa.
Ayon na naman sa Komisyon sa Wikang Filipino, ang tema ay kumikilala sa wikang Filipino bilang midyum sa paglikha at pagpapalaganap ng pambansang karunungan at kaunlaran. Ngayong taong ito, ang layunin ng ating tema ay para tayong mga Pilipino ay magkaisa tungo sa kaalaman, paglinang at kaunlaran ng buong bayan. Ito ay nagsisilbing pundasyon natin at nagsisilbing tulay patungo sa magandang kinabukasan. Ito din ay para gawing daan ang wikang Filipino upang matuklasan ang maraming kaalaman. Nagsisilbi itong daan upang tangkilikin natin ang ating sariling wika na dapat naman nating gawin dahil ito ang ugat ng karunungan na magsisilbing puno ng katatasan.
Gawing sentro ang wikang Filipino dahil pag ito'y ginawa mo, mahahangad natin ang kapayapaan at kaunlaran tungo sa mundong makabago. Magsaliksik, magbahagi, at linangin ang wika ng umuunlad na bansa, ang bansa nating mga Pilipino, ang Pilipinas.
MAHUSAY LENI JANE!
ReplyDelete