Sa tuwing sumasapit ang buwan ng Nobyembre ay ipinagdidiriwang natin ang Filipino Values Month o EsP Month. At sa tuwing ito ay sumasapit, hindi maaaring walang mga aktibidades at mga patimpalak na sasalihan ng mga estudyante at pati narin ng mga guro. Ang mga aktibidades at mga patimpalak ay maaaring paggawa ng tula, paggawa ng sanaysay, paggawa ng poster at slogan, pagkanta, spoken poetry, at tagis talino. Sa mga ganitong pagdiriwang, hindi mawawalan ng tema. Sa taong ito, ang tema ay, "Mapanuring Paggamit ng Gadget: Tungo sa Mapagkalingang Ugnayan sa Pamilya at Kapwa."
Sa panahon natin ngayon kung saan moderno na lahat at ang mga liham noon na nagsilbing pakikipag-usap at pakikipag-ugnayan ay napalitan na lahat ngayon ng mga makabagong teknolohiya gaya na lamang ng gadgets. Sa ibang tao, ang gadgets ay nakasisira sa buhay ng mga tao lalong-lalo na sa mga kabataan ngayon na puro gadgets na lamang ang alam. Sa ibang tao naman, ang gadgets ay sobrang nakatutulong sa pagbilis ng mga gawain tulad ng pakikipag-ugnayan sa kapwa lalong-lalo na sa mga kaibigan at pamilya.
Sa tema ng Filipino Values Month ngayong taon na ito ay nagbibigay ng mensahe na dapat ay suriin natin ang mga masasamang epekto ng gadgets sa buhay natin gaya ng paglalayo ng damdamin natin o hindi pagkakaroon ng sapat na oras para sa kapwa at pamilya. Dapat ay kailangan nating isipin kung ang paraan ba ng paggamit natin ng gadgets ay wasto at kung kailan natin ito ititigil sa paggamit.
Sa lahat ng oras o panahon, kailangan natin ng kaalaman. Oo nga't maraming masasamang epekto ang mga gadgets pero kung susuriin nating mabuti, nagkakaroon lang ng masamang epekto ito sa atin kung hindi natin ito alam gamitin sa wastong paraan. Gamitin ito sa wastong paraan gaya ng pakikipag-ugnayan dahil ang mga gadgets ay inimbento upang mapadali at hindi na tayo mahirapan pang makipag-ugnayan sa pamilya natin at sa kapwa natin.
No comments:
Post a Comment